Dahil nakalugmok ako sa teorya ngayon, nagiging pahinga na sa akin ang pagsusulat, as in: “Pagod na ako mag-aral. Makapagsulat nga.” Nakakatuwang maranasan ang ganitong relasyon sa pagsusulat kasi di ito gaanong pamilyar sa kin. Pwede palang magsulat… for fun. Ang punto ko lang naman ay may nabuo akong munting chapbook dala ng aking fun moments sa pagitan ng pag-aaral at paglalabada (a.k.a. raket)! Ipupublish ang chapbook ng Youth and Beauty Brigade at ilalabas sa BLTX. Magpopost ako ulit tungkol dito kapag handa na ang cover.

Para sa mga huli sa balita, ang Better Living Through Xeroxography ay isang small press expo na gaganapin sa Ilyong’s Kalantiaw (Project 4, QC) sa March 2, 8 pm to sawa (or 3 am). Eto ang mga kasali so far, iclick na lang ang mga may link para makilala ang ilan sa kanila.

The Cabinet
Gelo Suarez
hal.
Heights
High Chair
Kubori Kikiam
Macoy
Omeng Estanislao
Pantas
Paper Monster Press
Patrick Rawwrr
QBCCC (The Quarterly Bathroom Companion Comics Compendium)
Rob Cham
Silent Sanctum Manga
Tapat Journal
Tilde Acuña
UP Writers Club
Youth and Beauty Brigade
Zigzag Animals

Kung may mga nais pang humabol at sumali sa BLTX, padalan lang ng email si Adam David: juncruznaligas@gmail.com. Kitakits!